September 8, 2007 by alipingwalangk
Ang pag-ibig ay isinusuot at hindi nararapat hubarin.
Col 3:14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan
Gawin ang lahat sa pag-ibig.
1Co 16:14 Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
The Love (Agape) in the Bible.
1Co 13:4 Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
1Co 13:5 Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
1Co 13:6 Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
1Co 13:7 Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
1Co 13:8 Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.
Powered by ScribeFire.